Christmas lights lamang ang minomonitor sa hanay ng mga Christmas decorations – DTI Sorsogon

Nilinaw ng Department of Trade and Industry (DTI)-Sorsogon na hindi kasama ang mga christmas decorations sa kanilang minomonitor.

Sa panayam ng Brigada News kay DTI Sorsogon Consumer Protection Head Dory Laguna, sinabi nito na kung mayroon man silang binabantayan pagdating sa mga palamuti tuwing holiday season ito ang mga christmas lights.

Read More:  ₱4.35-M worth of smuggled cigarettes seized in Negros Occidental

Ayon dito, kailangan umano ito upang matiyak na ang ibinibentang produkto ay dekalidad at ligtas at naaayon sa Philippine National Standards o PNS kung saaan ang basehan nito ay mayroong Philippine Standard (PS) Quality and/or Safety Mark o Import Commodity Clearance o ICC Sticker.

Read More:  Nine injured as Canlaon City booth burns at Buglasan Festival in Dumaguete

Kaugnay nito, pinayuhan ni Laguna ang mga mamimili na sa pagbili ng mga kahalintulad na produkto ay suriin ito sa pamamagitan ng pagtingin kung mayroong nakalagay na BPS o ICC sticker.