Mga residente 3 barangay sa Jovellar, lumikas dahil sa pagbaha bunsod ng pag-ulan

LEGAZPI CITY – Lumikas kaninang madaling araw ang mga residente mula sa tatlong barangay sa bayan ng Jovellar, Albay dahil sa pagbaha dala ng matinding pag-uulan.

Ito mismo ang kinumpirma ni MDRRMO head Engr. Jayson Lareza sa Brigada News FM Legazpi.

Tinukoy ni Lareza na ang mga barangay na ito ay ang Aurora, Mabini at Calzada na pawang mga flood prone areas dahil malapit ito sa Jovellar River.

Read More:  How This Family Business in GenSan is Modernizing for a New Era of Doing Business

Ayon sa kanya, karamihan ng mga residenteng nakatira sa mga lugar na ito ay may mga negosyo at mga sasakyan at agad din namang lumilikas kapag nagkakaroon ng matitinding pag-ulan.

Samantala, sa parte naman umano ng kanilang tanggapan, nakahanda ang kanilang mga tauhan at kasalukuyan nang nire-revisit ang contingency plan para sa mga pagbaha at posibleng landslides.

Read More:  Man killed in riding-in-tandem attack at Bacolod computer shop

Sa ngayon, nasa labas pa ng PAR ang tropical depression at inaasahan itong makapasok sa bansa bukas o sa Hwebes.

Kaya, payo naman ni Lareza sa mga residente ng kanilang bayan lalo na ang mga nasa flood and landslide prone areas, patuloy na mag-monitor sa kanilang mga radio, TV at social media partikular sa kanilang FB page para sa mga update at iba pang impormasyon.