Christmas convoy sa WPS, nag-abort mission matapos ang nangyaring insidente

Nag-abort mission muna ang Christmas Convoy sa West Philippine Sea matapos ang sunod-sunod na pangha-harass ng China habang naglalayag ang barko ng Pilipinas sa Exclusive Economic Zone ng bansa.

Ayon sa Atin Ito Coalition, nagdesisyon ang Kapitan ng MV Felix Oca na bumalik sa El Nido Palawan dahil sa mga banta at pambu-bully ng China sa barko na maghahatid sana regalo sa mga tropa na nakadestino sa Lawak Island.

Read More:  Bondoc slams NBI labeling of Sen. Bato as ‘armed and dangerous’

Labing Oras pa lang naglalayag ang barko ng Pilipinas mula El Nido ngunit randam na ang presensiya ng China dahil sa pagbubuntot ng barko ng Chinese Coast Guard sa barko ng Pilipinas.

Read More:  Zubiri apologizes to Inday Badiday’s family

Sisikapin naman ng Atin Ito Coalition na maihatid ang pamaskong regalo sa ibang paraan para sa mga sundalong nagbabantay sa EEZ.