Chris Rock, umiwas munang magbiro re: Pagsampal sa kaniya ni Will Smith

Pinoproseso pa raw ng komedyanteng si Chris Rock ang nangyaring pananampal sa kaniya ng aktor na si Will Smith sa Oscar ceremony, nang magbiro siya tungkol sa pagpapakalbo asawa ng aktor na si Jada dahil sa kondisyon nito na Alopecia.

Read More:  Lea Salonga makes history as first Filipina to receive Hollywood Walk of Fame star

Sinabi ni Chris sa mga nanood sa kaniyang show na wala siyang joke tungkol sa nangyaring pananampal sa kaniya.

Batay sa ulat ng Variety, sinabing sold-out ang stand-up show ni Chris sa Boston noong Miyerkules.

Read More:  Barbie Imperial and Richard Gutierrez spark online buzz after Instagram follow-unfollow

Kaugnay nito, nagtawanan raw ang mga tao nang tanungin sila ni Chris ng, “How was your weekend?”

Nangako naman ito na sa ibang banda ay magpag-uusapan rin umano niya ito, kung saan magiging seryoso at katatawanan ito.