SORSOGON CITY – Ipinasilip ng National Mapping and Resource Information Authority (NAMRIA) ang paunang resulta ng updated chart ng Sorsogon Bay at mga pantalan nito.
Sa isang online conference, iprinesenta ng ahensya sa pamunuan ng Fisheries Division at staff ng Office of the Provincial Agriculturist (OPAG), ang partial na survey sa mga baybayin at dalampasigan ng lalawigan.
Kasama rin dito ang charting sa mga daungan para magkaroon ng updated record, na kung saan sinasabing noon pang taong 1936 huling nagkaroon ng mapping.
Inilunsad ang proyekto noong nakatalikod na taon sa pakikipagtulungan ng mga lokal na ahensya ng lalawigan, kasama ng ilang Local Government Units (LGU), at inaasahan namang matatapos na sa lalong madaling panahon.
