Nakatikim ng sampal at mura si Oscar’s presenter Chris Rock mula kay best actor nominee Will Smith.
Ito ay matapos mapikon si Smith sa pagbibiro ng komedyante tungkol sa hitsura ng kanyang asawa sa Oscars ceremony nitong Linggo.

Nagbiro si Rock tungkol sa hairstyle ng asawa ni Smith na si Jada Pinkett Smith sa tila pagiging kalbo nito.
Sa una ay inakala ng mga dumalo na scripted lamang ang pangyayari subalit nagulantang ang lahat ng sigawan ni Smith si Rock ng “Keep my wife’s name out of your f*cking mouth!”
Si Smith, na nominado bilang Best Actor sa kanyang pagganap sa pelikulang “King Richard”.