Chot Reyes, nagbitiw bilang Gilas head coach

Nagbitiw sa pwesto si Chot Reyes bilang Gilas Pilipinas head coach matapos itong inulan ng kritisismo sa social media.

Ayon kay Reyes, masyado nang masakit ang mga pamba-bash ng netizens at maging ang pamilya nito ay naapektuhan na sa batikos.

Read More:  Remulla urges SC to revisit main plunderer doctrine

Inaako din niya ang pananagutan sa sunud-sunod na tatlong pagkatalo sa group phase at ang huling pagkatalo laban ang South Sudan sa classification round.

Read More:  Bong Go leads 2028 vice presidential preference survey with 31%

Nagdesisyon si Reyes na bumaba bilang coach ng koponan ng Pilipinas matapos tinambakan ng Gilas ang China at nanalo sa iskor na 96-75.