Chot Reyes, hahawakan ang Gilas Pilipinas sa 2022 FIBA Asia Cup

Muling hahawakan ni Chot Reyes ang Gilas Pilipinas para sa nalalapit na 2022 FIBA Asia Cup.

Sa anunsyo ng Samahang Basketbol ng Pilipinas, sinabing si Reyes ang mangangasiwa sa Indonesia-bound squad, kasama ang assistant coaches na sina Nenad Vucinic, Jong Uichico, at Sandro Soriano.

Mababatid na si Vucinic ang humawak sa national team sa katatapos palang na third window ng FIBA World Cup Asian Qualifiers, kung saan nagtapos sila sa 1-1 record.

Huling hinawakan ni Reyes ang men’s basketball team sa 31st Southeast Asian Games sa Vietnam, pero bigo itong manalo ng gold medal, bagama’t nakakuha ng silver. //MHEL PACIA