15 hindi rehistradong timbangan sa palengke ng Olongapo kinumpiska

Kinumpiska ng Department of Trade and Industry at Local Price Coordinating Council ang nasa labinlimang mga hindi rehistradong timbangan sa West Bajac-Bajac Public Market, Olongapo City.

Ito ay kasunod ng isinagawang Ikot Palengke Program ng DTI at LPCC nakalipas na Huwebes.

Read More:  Soldiers trek 25 kilometers carrying school chairs for Indigenous students in Davao del Norte

Maliban dito, kinumpiska rin ang tatlong epektibong timbangan habang nasa 207 na mga stalls naman ang inikutan.

Matatandaan na sunod-sunod ang ginagawang pag-iikot ng DTI sa mga palengke hanggang sa iba’t ibang bayan ng Zambales para matiyak na sumusunod sa regulasyon ang lahat ng mga negosyante.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO

Read More:  Rider killed in suspected riding-in-tandem attack in Cebu

PHOTO: DTI-Zambales