Chinese warship at dalawang iba pang barko naispatan sa Balikatan sa Batanes

Naispatan ng PCG ang Chinese waship at dalawang barko mula Beijing sa kasagsagan ng bilateral war games sa pagitan ng Pilipinas at Amerika.

Ayon sa Philippine Coast Guard, nakita nilang ang People’s Liberation Army-Navy vessel at dalawang iba pang Chinese-flagged vessels sa bisinidad ng Itbayat, Batanes kung saan isinasagawa ang Balikatan Exercise.

Read More:  Sen. Jinggoy Estrada surrenders to CIDG

Sinubukan ng PCG na mag-radio challenge sa mga naturang barko at kalaunan ay umalis din ang barko ng China.

Read More:  Minority bloc calls for Cayetano’s resignation

Samantala, nanindigan naman ang PCG na hindi sila gagamit ng mga water cannon sa kabila ng mga delikadong pangha-harass ng China.