58th Olongapo Cityhood Celebration, isasagawa ng Pamahalaang Panlungsod ng Olongapo

Magsasagawa ng iba’t – ibang aktibidad ang Pamahalaang Panlungsod ng Olongapo.

Ito ay para sa pagdiriwang ng 58th Olongapo Cityhood Celebration o ang pagiging Lungsod ng Olongapo.

Ilan sa mga aabangan ngayong buwan ng Hunyo ay ang Electric Light Parade kung saan ay inaanyayahan ang lahat ng opisina ng Gobyerno at mga business establishments na makiisa rito.

Read More:  Mother of four dies while queuing for P20 rice in Bukidnon

Magkakaroon din ng Kalye Kasiyahan, Retro Run, Beach Happy Hour, Beach Volleybash, at Bingo-po.

Isa din sa magiging highlight ng pagdiriwang ay ang Cityhood Concert na gaganapin sa June 22, 2024 sa Gordon College Grounds.

Read More:  Caretaker dies after stabbing incident in San Vicente, Palawan

Samantala, lahat ng mamamayan ng Olongapo ay hinihikayat ng Pamahalaan na makiisa at tangkilikin ang mga aktibidad na gagawin para sa pagdiriwang.// LESLEY DIZON – BNFM OLONGAPO