Chinese maritime militia vessels, pininturahang puti para magmukhang Civilian ship

Pininturahan ng puti ang mga sasakyang pandagat ng Chinese maritime militia sa Bajo de Masinloc upang magmukhang mga barko ng Chinese Coast Guard (CCG).

Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG), ginagamit ito ng China bilang alternate vessels sa oras na wala ang presensya ng CCG sa pinagtatalunang dagat.

Apat na Filipino fishing boats ang nanatili malapit sa Bajo de Masinloc, habang wala namang napansin ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na pagbabago sa bilang ng mga maritime militia vessels ng China.

Matagumpay ring nasuplayan ng Philippine Navy ang walong Philippine outpost sa Kalayaan Islands at pinaplano na ang kanilang susunod na resupply mission sa BRP Sierra Madre.

Samantala, kinumpirma rin ng PCG na babalik na ang BRP Gabriela Silang at BRP Ventura mula sa kanilang hydrographic mission sa West Philippine Sea patungong Bolinao, Pangasinan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *