Chinese harassment sa WPS – paiimbestigahan na sa Senado

Binigyang-diin ni Senadora Imee Marcos na base sa Saligang batas, mandato ng estado na protektahan ang archipelagic waters, territorial sea at exclusive economic zone (EEZ) ng bansa.

Alinsunod nito, naghain siya sa Senado ng resolusyong nagdidirekta sa angkop na komite na imbestigahan ang kamakailang insidente sa Ayungin Shoal.

Read More:  PH Embassy in Pretoria advises Filipinos to avoid Ebola-affected areas

Ito ay matapos magdulot ng matinding sugat sa ilang Pilipinong tauhang nandoon at maging pagkaputol ng daliri ng isang Naval Special Operations Command (NAVSOCOM) operator ang panibagong pangha-harass ng China.

Anya, mahalagang matukoy ng Senado ang nangyari sa likod nito upang malaman ng gobyerno kung paano nito mas maiging mapoprotektahan ang mga mangingisda at sibiliyan sa mga rotation at resupply mission sa Ayungin shoal.

Read More:  Senate minority walks out over proposed rules change

Maalala, bilang pagtugon sa sunud-sunod na pambu-bully ng China, una ng iminungkahi ng ilang senador ang pagpapaigting sa sandatahang lakas ng Pilipinas.