Bloodletting activity, isinagawa ng Nueva Vizcaya Police Provincial Office

Matagumpay ang isinagawang BloodLetting Activity ng Nueva Vizcaya Police Provincial Office.

Magkatuwang itong isinagawa ng Provincial Community Affairs and Development Unit kasama ang Nueva Vizcaya Provincial Medical and Dental Team sa pakikipagtulungan ng Blood Bank Section ng Region 2 Trauma and Medical Center.

Read More:  Possible tawas, not shabu, found in Bacolod student’s bag, police say

Isinagawa ito noong Martes sa NVPMDT, Camp Major Saturnino L Dumlao, Bayombong, Nueva Vizcaya. na may temang “Give Blood, Save Lives”.

Lumahok ang mga kapulisan mula sa labing limang himpilan ng pulisya at dalawang Provincial Mobile Force Companies.

Read More:  Grenade attack on military truck injures five in Maguindanao del Sur

Nakalikom ang mga ito ng 35 units o 15,750 cc na dugo na malaking tulong sa mga nangangailangan ng dugo lalo na ang mga kamag anak ng mga PNP Personnel.