China – nanindigang poprotektahan ang kine-claim nilang teritoryo

Muling kinontra ng China ang naging pahayag ng Gobyerno ng Pilipinas na kahit kailan – hindi pi-nrovoke ng mga Pilipino ang mainit nang tensyon sa West Philipine Sea.

Patuloy na isinisisi ni Chinese Foreign Ministry spokesperson Mao Ning ang Pilipinas sa mga ‘recent developments’ sa sarili nating mga teritoryo.

Read More:  Tolosa says impeachment conviction could bar Sara Duterte from 2028 race

Aniya, patuloy daw nilang poprotektahan ang teritoryo nila, kahit na malinaw nang Pilipinas ang may pagmamay-ari nito kung pagbabasehan ang arbitral ruling.

Kung maaalala – naging tugon ito ng China matapos sabihin ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at ng National Security Council na tanging ang China lang ang nagpapa-init ng tensyon sa WPS.

Read More:  Palace defends Marcos’ bucket advice for El Niño preparation

Idiniin din ng AFP at ng NSC na tanging ang China lang ang naniniwala’t kumikilala sa kanilang 10-dash line claim.