Nanindigan ang China sa kanilang sovereign rights sa Scarborough Shoal kasunod ng report ng Philippine Coast Guard na close distance maneuvering incident na kinasangkutan ng Chinese vessel sa lugar.

Ang pahayag ay ginawa ni Chinese Foreign Ministry spokesman Wang Wenbin sa isang press conference.
Sinabi ni Wang na ang Huangyan Dao (Panatag Shoal) ay manang teritoryo ng China kaya saklaw ito ng kanilang soberanya at hurisdiksyon.
Hinimok din ni Wang ang PCG na igalang ang claim ng China sa nasabing katubigan.
Binigyang diin pa nito na umaasa ang China na rerespetuhin ng mga barko ng Pilipinas ang sovereign rights nila sa domestic law at international law at iwasan na ang panghihimasok sa patrol at law enforcement ng China Coast Guard sa nasabing bahagi ng karagatan.