Isa patay, 22 sugatan sa aksidente sa Camarines Sur

NAGA CITY – 22 ang sugatan sa aksidenteng kinasangkutan ng jeep sa Calabanga Camarines Sur, ang iba ay dinala sa ospital habang ang iba ay nagtamo ng minor injuries.

Napag-alaman ng Brigada News FM Naga, batay sa inilabas na ulat ng Calabanga Municipal Police Station, hindi na nakontrol ng driver ng naturang pampasaherong jeep ang manibela nang sumabog ang kaliwang gulong nito dahilan para tumagilid sa kalsada ng Barangay Manguiring ayon kay PMaj. Rodolfo Borromeo, hepe ng Calabanga MPS.

Read More:  14-year-old PWD dies in Cebu house fire

Galing sa Calabanga ang jeep at patungo sana sa Siruma ng maganap ang aksidente.

Ang driver na si Rodel Robles y Cañeza, 26 taong gulang, may live-in partner, at naninirahan sa Zone 1, Brgy. Poblacion, sa bayan ng Siruma na agad namang ikinustodiya sa Calabanga MPS.

Read More:  Mother of four dies while queuing for P20 rice in Bukidnon

Ang mga sugatan na dinala sa pagamutan ay kinabibilangan ng nagsilbing konduktor na si Alden Sta Rosa y Baque, 25 taong gulang, may asawa ng Zone 1, Brgy. Poblacion sa bayan ng Siruma.

Sa update ng PNP, nasawi si Sta. Rosa.

Nagpaalala naman ang pulisya na sana ay i-check ang kalagayan ng sasakyan lalo na ang mga gulong, manibela at preno bago ito patakbuhin para iwas-digrasya.