Nag-donate ng bigas at iba pang food items ang People’s Republic of China sa Department of Social Welfare and Development.
Nagkakahalaga ang donasyong ito sa P4-M bilang tulong sa paga-alburoto ng bulkang Mayon sa Albay.
Ginawa ang ceremonial turnover ceremony sa Pier 15, South Harbor sa Maynila kung saan nakadaong ang Navy training vessel ng China.
Sa kanyang mensahe, sinabi ni Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian, na nakasubaybay sila sa kalagayan ng mga Pilipinong apektado ng kalamidad, kung saan gaya aniya noong pandemya, ang China umano ang unang nagbigay ng tulong sa Pilipinas.

Personal naman tinanggap ni DSWD Sec. Rex Gatchalian ang mga donasyon at nagpasalamat ito sa China. //CA, edited MHEL PACIA