Food items at non-food items, ipamamahagi ng OCD sa mga bakwit ng Bulkang Mayon; DND, nag-donate ng mga water filtration system

LEGAZPI CITY – Mamamahagi ng food items at non-food items ang Office of Civil Defense (OCD) sa mga evacuees ng Bulkang Mayon.

Ang ilan sa mga ipamamahagi ay 3,200 na sako ng bigas, 380 na rolyo ng sakoline, 1, 101 hygiene kit, at 424 na OCD family packs.

Wala pang eksaktong oras kung kailan ito maipamimigay ngunit asahan umano na sa lalong madaling panahon ay maipamahagi ang mga ito.

Read More:  DILG chief reveals options given to Jinggoy Estrada as arrest warrant looms

Samantala, nag-donate naman ang Department of National Defense (DND) at Office of Civil Defense (OCD) ng tatlong (3) water filtration system kung saan ito ang pinakakailangan ng mga bakwit ngayon.

Ayon naman kay OCD 5 Regional Director Claudio L. Yucot, ang lahat ng LGUs umani ay dapat at patuloy na subaybayan ang sitwasyon sa lahat ng evacuation centers.

Read More:  DILG chief reveals options given to Jinggoy Estrada as arrest warrant looms

Kailangan din umanong tiyaking walang maiiwan sa kani-kanilang barangay sa loob ng 6-kilometer permanent danger zone (PDZ).

Nagpapasalamat naman sa OCD ang Gobernador ng Albay na si Grex Lagman sa kanilang inisyatiba na mamigay ng mga water filtration system, ito raw ay malaking tulong sa lalawigan at ipapagamit sa lalong madaling panahon.