Prestige ng Senado, gumuguho na?

Pinuna ni dating Senate President Franklin Drilon ang gumuguho umanong prestige ng Senado bilang institusyon.

Ito ay  dahil umano sa kawalan ng decorum o tamang asal ng ilang senador sa gitna ng plenary session at committee hearings.

Ayon kay Drilon, sana’y hindi maging balat sibuyas ang mga nakasama niyang senador dahil hindi na umano niya matiis na punahin ang mga napapanood niyang sesyon at mga pagdinig ng Senado.

Ibinabala rin ng dating senador na kapag tuluyang gumuho ang prestige ng Senado ay mawawalan ito ng kredibilidad bilang taga check and balance.

Hinikayat niya rin si Sen. MIguel Zubiri bilangSenate Presidente na umaksyon at ipakitang hindi niya gusto ang nangyayari sa kapulungan. //CA, edited MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *