China, gumamit ng maliit na bangka para harangin ang PCG

Binunyag ng Philippine Coast Guard na gumamit ang China Coast Guard (CCG) ng mas maliit at mas mabilis na sasakyang pandagat upang gumawa ng panibagong hakbang para harangin ang resupply mission sa Ayungin Shoal.

Ayon sa PCG, nagdeploy ang CCG ng maliliit na sasakyang pandagat na mas may kakayahang gumawa ng maraming hakbang upang mapigilan ang mga sasakyang pandagat ng Pilipinas.

Sa ngayon ang tanging magagawa na lang ng Pilipinas ay videohan o gumawa ng dokumento at isumite sa National Task Force West Philippine Sea, at hintayin ang Department of Foreign Affairs na magsagawa ng kinakailangang diplomatikong aksyon.

Kahit may mga banta na mula sa China Coast Guard nanindigan pa rin ang PCG na matuloy ang mga resupply mission upang matiyak na mananatili ang presensya ng Pilipinas sa West Philippine Sea.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *