China at Belarus Nagsagawa ng Pinagsamang Military Exercises

Inanunsyo ng China at Belarus na magsasagawa sila ng pinagsamang military training exercises malapit sa boarder ng Poland.

Ang pagsasanay ay magtatagal ng 11 araw mula July 8-19, may layuning palakasin ang antas ng pag-e-ensayo at koordinasyon.

Kasama sa drills ang hostage rescue operations at counter-terrorism missions.

Ang pagsasanay ay nagaganap malapit sa Brest sa Belarus, mga 130 milya mula sa Warsaw at 40miles mula Ukraine.

Matagal nang inaakusahan ng NATO at EU ang Belarus ng paggamit ng boarder para sa pagpasok ng mga asylum-seekers mula sa ibang mga bansa.

Ang pagsasanay na ito ay nakikita ng ilan bilang provocation, magaganap ito sa bisperas ng ika-75 anniversary ng NATO summit sa Washington, D.C., at araw ng pagbisita ni President Volodymyr Zelensky ng Ukraine sa Poland.

Ang Belarus ay itinuturing na pinakamalapit at pinakamahalagang kaalyado ng Russia sa digmaan nito laban sa Ukraine, at ginamit ng Moscow ang Belarus bilang launching pad para sa pagsalakay sa Ukraine noong February 2022. (BRIGADA NEWS INTERN-JHALDEA RULONA)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *