EJ Obiena, nakuha ang fourth place sa huling laban niya bago ang Paris Olympic Games

Nasungkit ng Pilipinong Pole Vaulter star na si EJ Obiena ang fourth place sa huling laban niya sa Meeting de Paris sa France bago ang 2024 Paris Olympic Games.

Ang 6-foot-2 na si Obiena ay nakipagsabayan kina Emmanouil Karalis ng Greece matapos nilang lampasan ang 5.75m sa Diamond League leg.

Para kay EJ Obiena, ang World’s No.2 Pole Vaulter, ay ang Olympics, kung saan inaasahan niyang mapabuti ang kanyang 11th place finish noong Tokyo edition ng Summer Games.

Dagdga pa nito, ang mga makakalaban ni Obiena sa Paris ay sina Armand Duplantis ng Sweden ang naguna sa at nalampasan ang 6.00m at si Sam Kendricks ng  United States’ na nakuha ang silver finish sa 5.95m at si  Thibaut Collet ng France ang nasa ikatlong pwesto sa 5.85m.  

Samantala, kasama si EJ Obiena sa 22-man delegation ng Pilipinas na mga lalahok sa darating na 2024 Paris Olympic Games. (BRIGADA NEWS INTERN JAIME CODIZAL)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *