Alkansya na may laman na tinatayang P100k, ninakaw ng 19 anyos na suspek-arestado!

Arestado ng pulisya ng isang 19 anyos na si MILVEN CHAVEZ DELA CRUZ ng Bantol Street, Purok Masigla, Brgy. Mandaragat, Puerto Princesa City. 

Suspek ito sa pagnanakaw sa Zone II, Brgy. Liwanag, Puerto Princesa City nitong hating gabi ng Linggo, ika-16 ng Abril 2023.

Base sa ulat ng Police Station 1, nagpunta sa istasyon ng pulisya ang biktima na si Ms. Rechie Bernardo at idinetalye ang nangyari matapos nilang matuklasan na nawala ang alkansya na salamin.

Read More:  Mother nabbed in drug bust, 3 children left with neighbors

Naglalaman raw ito ng Php.105,000.00, ayon sa biktima.

Sinira umano ng suspek ang plywood na dingding ng bahay kung saan ito pumasok at lumabas.

Read More:  How This Family Business in GenSan is Modernizing for a New Era of Doing Business

Kalauna’y nagtanong-tanong si Rechie Bernardo sa mga kapitbahay at ayon sa isang witness ay nakita nya ang suspek na dala-dala ang alkansya na ninakaw.

Nang ma-report ang insidente ay agad na nahuli ng pulisya ang suspek sa follow up operation at nabawi mula rito ang alkansya na naglalaman na lamang ng Php.69,920.00.