Chiefs nasungkit ang Super Bowl LVII vs Eagles; Rihanna nagpasiklab sa halftime show

Nasungkit ng Kansas City Chiefs ang Super Bowl LVII title matapos talunin ang Philadelphia Eagles sa score na 38-35.

Iginiya ni Chiefs quarterback Patrick Mahomes ang kanyang koponan sa kabila ng tinamo nitong ankle injury sa second quarter pa lang ng laban.

Read More:  Thailand shortens visa-free stay for foreign tourists

Lamang pa ng 10 puntos ang Eagles sa 1st hlaf subalit pagdating ng huling quarter ay dito umarangkada ang Kansas.

Ito na ang ikalawang Super Bowl title ng Chiefs sa loob ng limang taon na unang nagkampeon noong 2020.

Read More:  PH Embassy in Pretoria advises Filipinos to avoid Ebola-affected areas

Samantala tampok naman sa half-time show ang singer na si Rihanna.

Mababatid na ang Super Bowl ay tinaguriang isa sa mga most watch sporting event sa buong mundo. (The Kansas City Chiefs Photo)