Chicharon, binigay bilang peace offering sa nakakatuwang road rage

Kakaibang road rage ang naganap sa isang kalsada nang magkagitnaan ang isang bus at truck.

Nagkasalubong kasi ang dalawa at kinakailangan may mauna. Ngunit imbis na magbigayan, pareho silang hindi umaalis at nagmamatigas.

Na-videohan naman ito ng isang netizen dahil kahit mismo siya ay nacu-curious kung sino ang unang magbibigay sa daan para umusad na ang trapiko.

Ngunit laking gulat nito nang biglang lumabas ang konduktor sa bus at siya na mismo ang nagbigay. Pero ang ibinigay nito, chicharon!

Chicharon ang binbigay ng konduktor sa truck driver para sila naman ang pagbigyan sa kalsada.

Bagama’t nice gesture ito dahil naging mapagbigay ang konduktor, hindi ito tinanggap ng driver.

Say ng netizens, baka naman kapag may kasama suka ang chicharon, saka siya pagbigyan sa daan at tanggapin niya ito nang buong-buo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *