Sharon Cuntea, inilarawang ang relasyon kay KC Concepcion bilang “estranged”

Inamin ni Sharon Cuneta na hindi na sila nag-uusap ni KC Concepcion, kasabay ng paninindigang gusto niyang panatilihin ang kanilang relasyon bilang mag-ina.

Ayon kay Sharon, nagkakaproblema sila ni KC at sa katunayan ay “estranged” na ang kanilang relasyon.

Ngunit kahapon, ibinahagi ni KC ang throwback photo kasama ang ang kanyang mama noong bata pa sya para sa kanyang Mother’s Day greeting.

Saad ng aktres, lagi niyang sisikaping ipagmalaki at iparamdam niya sa kanyang mama na worh it ang pagiging ina.

Bagama’t hindi na ibinubunyag ng dalawa kung nagkabati na o may tampuhan pa rin sila, maalaalang nag open-up na noon si KC hinggil sa kanyang mga naranasan bilang isang anak na lumaki ng may broken family.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *