Chelsea Manalo ng Bulacan, kinoronahan bilang pinakabagong Miss Universe Philippines

Kinoronahan na kagabi si Chelsea Manalo ng Bulacan bilang pinakabagong Miss Universe Philippines 2024 sa Mall of Asia Arena, Pasay City.

Si Manalo ang magiging representative ng Pilipinas sa 73rd Miss Universe pageant, na gaganapin sa Mexico ngayong taon.

Tinalo ni Manalo ang 52 kandidato sa kompetisyon para pumalit sa pwesto ni Miss Universe Philippines 2023 Michelle Dee.

Samantala, 1st runner up naman si Stacey Gabriel ng Cainta, 2nd runner up si Ahtisa Manalo ng Quezon Province, 3rd runner up si Tarah Valencia ng Baguio, at 4th runner up naman si Christi McGarry ng Taguig.

Bukod pa sa Miss Universe crown, kinoronahan na rin ang Miss Eco Philippines na si Alexie Brooks ng Iloilo, Miss Charm Philippines na si Cyrile Payumo ng Pampanga, Miss Cosmo Philippines na si Ahtisa Manalo, at Miss Supranational Philippines na si Tarah Valencia.