Aprubado na sa ikatlo at huling pagbasa sa Kamara ang House Bill 9349 o ang panukalang absolute Divorce Bill.

Nakakuha ito ng 126 pabor na boto habang 109 naman ang tutol at 20 ang hindi bumoto.
Layunin ng panukala na mas padaliin ang proseso ng pagpapawalang bisa ng kasal ng mag-asawa para sila ay payagang makapagpakasal muli sa iba.
Ilan sa pwedeng basehan ng petisyon para sa divorce ay kung limang taon ng hiwalay ang mag-asawa, may psychological and capacity, irreconcilable differences, domestic or marital abuse at iba pa.
Sa ilalim din ng panukala, ang Department of Social Welfare and Development, sa tulong ng iba pang ahensya at mga organisasyon ang gagawa ng implementing rules and regulations sa loob ng 60 araw matapos itong maisabatas.
Mababatid noong 2018 nakalusot din sa ikatlong pagbasa sa Kamara ang kaparehong panukalang batas pero bigo naman itong makakuha ng suporta sa Senado.