CHED, ininspeksyun ang traning facilities ng NCAA schools

Inumpisahan na ng Commission on Higher Education ang pag-inspeksyon sa training facilities ng NCAA schools bago ang posibleng pagbabalik ng collegiate sports.

Plano ngayon ng CHED na magtayo ng bubble upang tiyakin ang kaligtasan ng student-athletes at coaches sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Winelcome naman ng mga paaralan ang naturang development sa kabila ng mga hamon ng istriktong pananatili sa loob ng bubble habang sila ay nag-eensayo.

Inihayag ni San Beda Red Lions head coach Boyet Fernandez na medyo mahirap ang sitwasyon nila ngayon dahil kinakailangan nila magsakripisyo para sa practice.

Inihayag naman ni Paul Supan, athletics director ng Jose Rizal University, na kahit mahigpit ang mga patakaran ay mas panatag naman sila na ligtas ang kanilang student-athletes.