CHED, hinimok na ibalik na rin ang lumang academic calendar sa kolehiyo

Umapela si Kabataan Party-list Representative Raoul Manuel sa Commission on Higher Education na ibalik na rin ang lumang academic calendar sa kolehiyo.

Ayon kay Manuel, magandang hakbang ang ginawa ng gobyerno na ibalik ang lumang school calendar para sa basic education ng Hunyo hanggang Marso ngunit dapat ay ikonsidera na rin ito sa tertiary level.

Read More:  ICC confirms rare “fall” incidents involving former PRRD in detention

Hindi naman aniya “heatproof” ang college students at hindi sapat na kapag malala ang init ng panahon ay online class o distance learning ang solusyon.

Punto ng kongresista, marapat na i-review ng CHED ang patakaran ng mga pamantasan simulan ang academic year ng Agosto o Setyembre.

Read More:  Comelec targets reopening of voter registration in Feb 2027

Buwelta pa nito, University of the Philippines ang nagsimula ng “trend” noong 2014 at sumunod na rin ang ibang paaralan para masabing “internationally competitive” ngunit hindi naman umano napatunayan na gumanda ang kalidad ng edukasyon.