P2.8B pondo para sa BFP modernization – ilalabas ng DBM

Ipinag-utos na ni Budget Secretary Amenah Pangandaman ang agarang pagre-release ng kabuuang P2.880 bilyon sa Department of the Interior and Local Government – Bureau of Fire Protection (DILG-BFP) upang suportahan ang patuloy nitong pagsisikap sa modernisasyon at palakasin ang mga kakayahan ng pamahalaan sa paglaban sa sunog.

Read More:  Quezon City RTC issues arrest warrant vs. VP Sara Duterte

Aprubado at pirmado ang Special Allotment Release Order (SARO) na naglalayong mai-transfer sa DILG-BFP ang naturang pondo para sa pagbili ng mga karagdagang firetrucks at emergency medical equipments.

Paliwanag ni Pangandaman, ang halagang P2.880 bilyon ay gagamitin para sa pagbili ng 154 firetruck, 3 collapsed structure at rescue truck, at 132 ambulansya.

Read More:  Senators seek review of impeachment threshold for VP Sara Duterte

Dagdag pa ng kalihim, ang naturang halagang ay kukunin mula sa balanse ng 80% na bahagi ng BFP mula sa mga kinita ng ahensya ayon sa Republic Act (RA) No. 9514 o ang Fire Code of the Philippines.