Checkpoint ng Marines, Hinarass ng mga Armado

Hinarass ng dipa nakikilalang mga armadong kalalakihan kagabi ang checkpoint ng Philippine Marines sa bahagi ng Brgy. Kalanganan 1 ng lungsod ng Cotabato.

Sa panayam ng Brigada News FM Cotabato kay Col. John Paul Baldomar, nagkaroon ng ilang minutong palitan ng putok sa pagitan ng mga tropa ng Marine Battalion Landing Team 2 sa ilalim ng Task Force Kutawato laban sa mga armado.

Read More:  Army recovers firearm, IED after clash in Northern Samar

Nangyari ang panghaharas alas 8:30 ng gabi kagabi sa nasabing lugar kung saan nasa boundary ito ng lungsod at bayan ng Sultan Kudarat.

May grupo na rin anya na natukoy ang militar pero ito ay patuloy pang kinukumpirma ayon pa kay Col. Baldomar.

Read More:  13-Year-old student involved in Davao school stabbing

Agad namang dumating ang dagdag na tropa ng Philippine Marines sa lugar upang magsagawa ng clearing operation.

Nakaalerto ngayon ang mga otoridad sa lungsod kasunod ng nangyaring panghaharass sa lugar. See less