Karamihan sa mga empleyado ng Kamara, hindi sang-ayon na lumipat

Mayorya ng mga kawani ng House of Representatives ang tutol sa isinusulong na paglipat ng gusali ng Kamara sa Bonifacio Global City o BGC sa Taguig City.

Batay sa inilabas na survey ng Office of the House Secretary General, 1,481 o 88 percent ng respondents ang hindi sang-ayon na i-relocate ang Kamara sa BGC.

Read More:  VP Sara Duterte denies Gracioso cash delivery claims

208 o 12 percent lamang ng kabuuang 1,698 responses ang pabor sa relokasyon.

Halos limanlibo ang bilang ng mga mambabatas, congressional staff at secretariat sa Mababang Kapulungan pero 36 percent lamang ang tumugon sa survey.

Read More:  Marcos signs five-year barangay, SK term law, moving 2026 elections to 2028

Una rito, sinabi ng House SecGen na layon ng survey na malaman ang pananaw ng mga empleyado ng Kamara.

Sa kabila nito, inaasahang magpapatuloy pa ang deliberasyon ng binuong Ad Hoc Committee para sa planong paglipat ng gusali upang mailapit sa Senado.