Pasok ang Central Luzon sa mga lugar sa buong bansa na may pinaka maraming aktibong kaso ng COVID-19.
Sa tala kahapon ng Department of Health, pangatlo ang Central Luzon sa may pinaka maraming active cases na umaabot sa 7, 414.
Habang nangunguna ang National Capital Region o NCR na merong 15, 799 at pangalawa ang Region IV-A na may 10, 860.
Samantala pangatlo rin ang Gitnang Luzon kahapon sa nakapag tala ng pinaka maraming bagong kaso ng COVID-19 na merong 786.
Nangunguna pa rin ang NCR sa nakapag tala ng new cases kahapon na nasa 2, 043 pangalawa ang Region IV-A na may 1, 257 at kapareho ng Region 3 ang Region 7 Central Visayas na meron ring 786 new cases.
