Ilulunsad ng Angeles city simula sa August 11 ang house-to-house family vaccination kontra COVID-19 gamit ang mobile clinic at ambulansya.
Ayon kay Mayor Pogi Lazatin, sisimulan nila ang bagong sistema ng pagbabakuna sa mga barangay na may maliit na populasyon tulad ng bgy Virgen Delos Remedios.
Katulad rin ng mga nasa on site vaccination, magkakaroon din ng screening, counselling, at post monitoring.
May naka standby rin na ambulance, medical responders at nurse staff.
Samantala ang house-to-house family vaccination ay bukod pa sa isinasagawang house-to-house vaccination para sa mga bed ridden at PWD ng lungsod.