Centenarian, bagong COVID-19 fatality sa probinsya ng Catanduanes; Biktima, ipinagdiwang pa ang kaarawan bago tinamaan ng sakit

Virac, CATANDUANES—Kinumpirma mismo ng alkalde sa bayan ng Virac, Catanduanes na isang centenarian ang pinaka bagong nasawi dahil sa COVID-19 sakanilang bayan.

Kinilala ito bilang si Bicol Patient #21236, isang 100-gulang na lola at residente ng Brgy. Calatagan Tibang.

Bago pa man tamaan ng COVID-19 ay dati na umanong may iniindang sakit ang matanda at pabalik-balik sa ospital.

Read More:  Fire hits PC Compound in Zamboanga City; Air Force helicopter joins response

July 31 nang lumabas ang swab test result na positibo ang matanda sa virus at makalipas ang ilang araw, nitong August 5 nang bawian ito ng buhay.

Samantala, bago ito tamaan ng sakit ay ipinagdiwang pa nito ang kanyang kaarawan, kasabay ng pagtanggap ng P100,000 na cash incentive mula sa pamahalaan.

Read More:  Army conducts live-fire exercises as HRAN flags risks to Sipalay residents

Ang naturang lola ang siyang ika-32 kaso na ng mga nasasawi dahil sa COVID-19 sa islang lalawigan ng Catanduanes habang sa pinakahuling pagtatala, ay nasa 84 ang nananatiling aktibong kaso ng sakit sa buong probinsya.###