Celebrity couple na sina Aubrey Miles at Troy Montero naka-Drivemax na!

MAINIT na tinanggap ng Brigada Group of Companies at Brigada Healthline Corp. ang pagdating ng celebrity couple na si Aubrey Miles at ang asawa nitong si Troy Montero sa lungsod ng General Santos.

Kasama nina Brigada President at CEO Elmer V. Catulpos, Executive Vice President Yelcy Yasay Catulpos at Brigada Pharmacy president Ymier Shann Catulpos sina Miles at Montero sa contract signing sa conference hall ng Grand Summit Hotel.

Ibinunyag ni Aubrey na ito ang ika-3 beses na bumisita sa Gensan at ang unang pagbisita niya sa lungsod ay may kaugnayan sa Tuna Expo, ngunit ito ang unang beses na bumisita siya kasama ang matagal na niyang partner at asawang si Troy.

Read More:  Marcos declines comment on Imee’s no-el claim

Masaya umano ang mag-asawa na napili silang maging ambassador ng Drivemax product na kanilang ie-endorso at nagpasalamat sa Brigada sa pagkakataong ibinigay sa kanila.

Ibinahagi din ng dalawa ang sikreto ng mainit nilang relasyon bilang mag-asawa sa loob ng 19 na taon at ang sikreto ng pagpapanatili ng kanilang seksi at malusog na pangangatawan.

Read More:  Zubiri opposes online attendance in Senate sessions

Naging excited ang mag-asawa nang ibahagi nila ang pinakamagandang bahagi ng kanilang pagsasama at ayon kay Aubrey, si Troy ang overall package para sa kanya.

Habang pinasalamatan ni Executive Vice President Yelcy Catulpos sina Miles at Montero sa mainit at buong pusong pagtanggap ng partnership sa Brigada at binati rin ang Brigada Healthline Corp. para sa magandang pagpili ng nasabing celebrity couple patungkol sa produktong ieendorso nila sa Drivemax Coffee at Drivemax Capsule.

Ibinunyag din ni Brigada President and CEO Elmer V. Catulpos na isang malaking karangalan na tanggapin ang Celebrity couple na maging product endorser ng Brigada.