Cedric Lee – magpapahinga at magre-recharge muna sa paglipat sa Bibilid

Nasa kustodiya na ng Bureau of Corrections (BuCor) sa Muntinlupa ang negosyanteng si Cedric Lee na isa sa apat na convicted sa kasong serious illegal detention with ransom na isinampa ng actor at host na si Vhong Navarro.

Ito’y alinsunod sa utos ng Taguig Regional Trial Court (RTC) na mula sa NBI ay ilipat siya sa Bilibid.

Sinabi ni Lee na ang kanyang susunod na hakbang ay magpapahinga muna at magre-recharge ito sa loob ng piitan.

Read More:  Zubiri opposes online attendance in Senate sessions

Maaalalang, naantala ang paglipat kay Lee dahil umabot sa 180 over 100 ang blood pressure nito kahapon.

Samantala, tumanggi naman siyang magbigay ng pahayag sa kinahaharap niyang kaso.