Excited nang dalhin ni Cool Smashers middle blocker, Ced Domingo ang kanyang talento sa Women’s Volleyball Thailand League matapos pumirma sa Nakhon Ratchasima Volleyball club.
Ayon kay Domingo, kilala ang Thailand bilang powerhouse sa mundo ng volleyball sa Southeast Asian region maging sa Asian level.
Kaya naman umaasa siya na marami itong matututunan sa Thailand na madadala pagbalik sa Pilipinas at maibahagi sa kanyang teammates.
Si Domingo ang ika8 Filipina volleyball player na maglalaro bilang import sa ibang bansa.
