Online precinct finder ng Comelec, bukas na sa publiko

Inanunsiyo ni Commission on Elections Chairman George Erwin Garcia na bukas na sa publiko ang online precinct finder.

Magagamit aniya ito sa nalalapit na Baranggay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).

Read More:  Palace says Dizon cleared, Cayetano not investigated in SEA Games issue

Ang pagbuo ng nasabing online platform ay makatutulong para alamin kung saan maaaring i-verify ang kanilang mga presintong pupuntahan.

Read More:  Death toll from Typhoon Inday, Habagat climbs to 18

Nabatid na hinintay muna ng Comelec ang go signal ng Department of Information and Communications Technology (DICT) upang matiyak na ligtas ito sa hacking kaugnay sa mga napaulat na data intrusions sa ilang ahensya ng Gobyerno.