Cebu City Jail, iimbestigahan ang nag-viral na leaked music video ng sikat na rapper sa Cebu

Nagsagawa na ng imbestigasyon ang Cebu City Jail Dormitory sa nag-leak na music video ng Cebuano rapper na si Range 999, isang person deprived of liberty (PDL).

Viral kasi ngayon ang msuic video ng kantang “AYAW USIKI” ni ‘Range 999’, Jed Andrew Salera sa totoong buhay.

Read More:  DOH-XII records 277 new HIV cases in first quarter of 2026

Sa kabila nito, nilinaw ng mga otoridad na ito’y bahagi lamang umano ng entry ng natunang jail facility na nasa ilalim ng pangangasiwa ng BJMP, sa isasagawang DILG First Regional Songwriting Competition Music Video Contest.

Pero, iimbestigahan pa rin daw nila kung sino ang nag-leak ng music video.

Read More:  NYLI pushes mental health-centered climate resilience through project OASIS

Nahaharap ang rapper sa kasong murder dahil sa pagbaril sa isang dating American Mixed Martial Artist noong March 17.

Ang nag-leak na music video ay mayroong mensahe para sa pagreporma ng tao sa loob ng kulungan na hindi dapat sayangin ang buhay ng bawat person deprived of liberty.