CDA-Bicol, tiniyak ang tulong at asistensya para sa mga maliliit na kooperatiba sa rehiyon na apektado ng pandemya

BICOL – HINIKAYAT ngayon ng Cooperative Development Authority o CDA-Bicol ang mga kooperatiba sa rehiyon na mag rehistro sa kanilang tanggapan upang magabayan at matulungan ang mga ito na mas lalo pang paunlarin ang kanilang samahan.

Ayon kay CDA-Bicol Regional Director Salvador Valeroso, patuloy umaano sila sa pagsusulong sa mga programa at hakbangin upang matulungan, partikular ang mga maliliit na kooperatiba na apektado ng kasalukuyang pandemya.

Kabilang na rito ang KOOP-kapatid program kung saan ang mga medium and large cooperatives ay nag-a-adopt ng isang maliit na kooperatiba upang kanilang matulungan at maasistensyahan sa aspetong pinansyal, teknikal at iba pa.

Read More:  18 street vendors selling soap along Cebu roads brought to police station

Naglunsad din ng CDA ng Sustainable Assistance Recovery Alleviation (SARA) Program na nagbibigay ng tulong-pinansyal na aabot sa 50k bilang dagdag na capital aara sa mga maliliit na kooperatiba.

Bagamat aminado si Valeroso na mas kailangan ng rehiyon ang mas maraming development interventions sa ngayon, nais pa rin umano nilang tutukan ang pag-regulate sa mga ito para na rin matiyak ang aniya’y ‘safe and sound operation’ ng bawat kooperatiba.

Read More:  Woman rider suffers injuries after crashing due to stray dog crossing road in Aborlan

May mga pagkakataon umano kasing ang mismong ang nag-rehistro pa ng coop ang nanloko sa mga na-recruit kung saan matapos hingan ng kanilang share capital ay bilang na lamang hindi nagpakita.

Ang CDA ang tanging ahensya ng pamahalaan na may mandatong pangunahan ang registration at regulation ng mga kooperatiba sa bansa gayundin mag-sulong ng mga programa para sa growth and development ng mga ito.