CCTV footage sa nangyaring gulo na kinasangkutan ni Awra, kumalat sa social media; Salaysay ng complainant, tumutugma sa video

NAGLABAS ng kaniyang side ang complainant na si Mark Christian Ravana sa kaso na kinahaharap ngayon ng Teen Star na si Awra Briguela.

Matatandaang nito lamang nagdaang araw ng arestuhin si Awra dahil sa pagkasangkot sa naganap na rambulan, at ayon sa inisyal na ulat, pinagtanggol lamang ng teen star ang kaibigan na umano’y pinagsamantalahang hipuan ng nasabing complainant.

Read More:  Alex Gonzaga, Mikee Morada announce pregnancy

Subalit, ayon sa complainant, pinilit umano siya ng teen star na pahubarin ng suot n’yang pants at nagalit umano si Awra na hindi siya napagbigyan sa hiling taliwas sa balita na kumalat sa social media.

Dagdag pa rito, nakursunadahan daw ata s’ya nito at hindi pinalabas sa bar hanggang sa umabot sa punto na sinundan s’ya sa baba at bigla nalang inumbahan ng suntok.

Read More:  Cristine Reyes, Gio Tingson are Engaged

Samantala, tumutugma naman ang salaysay ng complainant sa lumabas na CCTV footage na nakuha mula sa loob ng pinangyarihan ng gulo.

Sa ngayon, patuloy ang pag sasagawa ng imbestigasyon ng mga otoridad ukol dito.### JONADEL GALLEGO, Intern