61 taong walang tulog na lolo sa Vietnam, nananatiling malusog

Ano na lamang ang mangyayari kung hindi ka makatulog ng buong araw at hindi lamang iyan, paano kung abutin ito ng ilang taon?

Isang 80-anyos kasi na lalaki sa Vietnam ang mahigit 60 taon nang hindi natutulog dahil sa isang severe insomnia.

Ang lalaking nagngangalang Thai Ngoc ay ni hindi pa lamang raw nakikita ng kaniyang pamilya maging ng kaniyang mga kakilala na ito’y natulog.

Naging laman nga ito ng mga balitaan sa naturang bansa at maging sa iba pang mga nasyon kung kaya’t napag-alaman din ito ng ilan sa mga espesyalista na minsan na ring nag-alok ng libreng konsultasyon ngunit agad naman itong tumanggi ‘pagkat di na niya umano ito kailangan.

Nagbigay rin ng opinyon ang isang sleep medicine specialist na ang mga ganito umanong insidente ay isang uri umano ng severe insomnia na maaari umanong nakakatulog ang matanda ngunit, hindi na ito napapansin.

Sa kadahilanang ito, kung sakali man umanong nakaiidlip nga ito ay sapat na rin ito upang magkaroon ng lakas sa araw-araw niyang pamumuhay.|WENCY LISAY