Debosyon sa Poong Nazareno sa dinarayong Tulay na Bato Chapel sa bayan ng Basud muling sumigla

CAMARINES NORTE- Muling sumigla ang mga deboto ng Poong Nazareno sa dinarayong kapilya ng Tulay na Bato Chapel sa bayan ng Basud, Camarines Norte.

Pagkaraan kasi ng mahigit dalawang taon ay muli itong binuksan sa publiko na matagal na isinara dahil sa COVID- 19 pandemic.

Kasama pa ng mga magulang ang mga maliliit na bata sa paglapit sa dambana ng Poon para makapahid ng kanilang dalang panyo.

Read More:  14-year-old PWD dies in Cebu house fire

Hindi hinihikayat ang pagpahid ng panyo sa imahen dahil posible itong maging dahilan ng hawaan ng sakit pero hindi alintana ng mga deboto.

Una nang inihayag ng Lokal na Pamahalaan na pinapayagan naman talaga sa ilalim ng kasalukuyang Alert Level ang mga gawaing pagsamba.

Pero dapat pa ring masunod ang health protocols tulad ng social distancing at pagsususot ng face mask bagay na mahirap na mangyari dahil sa liit ng kapilya at sa dami ng mga deboto.

Read More:  Mother of four dies while queuing for P20 rice in Bukidnon

Nagmula pa kasi sa iba’t- ibang lugar ang mga ito na nakasanayang magbigay pugay sa poonb tuwing Biyernes.

Ang Basud ay isa sa apat na bayan sa lalawigan na nasa ilalim ng Alert Level  1 makaraang maabot na nito ang herd immunity sa COVID- 19 vaccination.

Umaabot na sa 80. 04 percent ang immunization coverage sa naturang bayan pero nasa 6. 72 percent pa lang ang nakakatanggap ng booster shot.