CBCP – gamitin ang Holy Week para mag-reflect sa iboboto sa May 9

Umapela ang Simbahang Katolika sa mga Pilipino na gamitin ang Semana Santa para mapagnilay-nilayan nang maayos kung sino ang kanilang iboboto sa Mayo a-nueve.

Sa isang panayam, sinabi ni CBCP-Permanent Committee on Public Affairs executive secretary Fr. Jerome Secillano na maaaring gamitin ang Holy Week para mapag-isipang mabuti ang mga nais ihalal.

Ngayong Semana Santa, kailangan umanong mabisita ang estado ng relasyon ng isang mananampalataya sa kanyang kapwa, sa Panginoon, at sa sarili.

At dahil malapit ang halalan, kailangan aniyang mag-reflect sa magiging desisyon nang sa gayon ay magkaroon ng magandang kinabukasan, hindi lamang ang sarili, kundi pati na rin ang mga kapwa Pilipino.

Panawagan ni Fr. Secillano, piliin ang best lider para sa bayan.

Samantala, muli ring umapela ang Simbahan na bagamat marami sa ating mga kababayan ang magbabakasyon ngayong Holy Week, sana raw ay ‘wag pa ring kalimutan ang mga sakripisyo ng Panginoon at ang tunay na diwa ng Semana Santa.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *