Catholic prelate may mensahe sa lahat lalo na sa mga kabataan sa gitna ng napakaraming hamon ngayong 21st century

CAMARINES NORTE- Hinimok ni Diocese of Daet Bishop Rex Andrew Alarcon ang lahat lalo na ang mga kabataan na maging matatag sa gitna ng napakaraming pagsubok sa buhay na kinakaharap ngayong 21st century.

Sa kaniyang homily sa pagdiriwang ng kapistahan ni Sta Lucia, Birhen at Martir sa Capalonga, Camarines Norte nitong Miyerkules,  Disyembre 13, sinabi ni Bishop Alarcon, Chairman ng Catholic Bishops Conference- Episcopal Commission on Youth na kailangang pag alabin muli ang sigasig sa puso upang bumangon at muling magpatuloy sa gitna ng mga hamon ng buhay.

Read More:  P136-M shabu hidden in Chinese tea bags seized in Cebu

Aniya, sa gitna ng tila kawalang katiyakan at problema ngayong panahon, tulad ng pandemya, digmaaan sa Ukraine at Rusia problema sa ekonomiya, pagtaas ng presyo ng petrolyo at maraming pang iba ang nagiging tanong umano ngayon ay kung makakabangon pa ba at ano ang magiging kinabukasan ng mga kabataan.

Read More:  DOH-XII records 277 new HIV cases in first quarter of 2026

Sa  pagkakataon umanong ito sabi ng Obispo ay kailangan ang tiwala sa Diyos at pag alabin ang sigasig na magdadala sa kinabukasan.

Ang sigasig ring ito umano ang magdadala sa atin ng lakas para bumangon muli.

Kaya na naman madalas umanong marinig ngayong panahon ang mga salitang resilient communities, resilient organizations at resilient graduates dahil sa tindi ng mga pagsubok sa buhay.