Royalties mula sa undersea gas projects sa bansa, maaaring isa sa pagmulan ng pondo sa panukalang Maharlika Investment Fund

Sinabi ng isang mambabatas kahapon na ang royalties mula sa undersea gas projects sa bansa ay maaaring isa sa pagmulan ng pondo sa iminungkahing Maharlika Investment Fund (MIF).

Sa panayam sinabi ni Surigao del Sur Rep. Johnny Pimentel, na ang commercial development ng isa pang gas field na maihahambing sa Malampaya ay maaaring magbunga ng mahigit ₱500 billion royalties sa gobyerno sa loob ng 20 taon.

Read More:  Palace withholds judgment on VP Sara impeachment trial

Sinabi ni Pimentel, sa sandaling mabuo na ang pagtuklas ng Sampaguita gas, nais nilang magakroon ng 100 percent royalties na maaaring i-invest sa MIF para sa pangmatagalang benepisyo ng sambayanang Pilipino.

Read More:  Visayas grid to be placed under yellow alert

Sa ngayon, sinabi ni Pimentel na nag-compute na sila ng ₱110 billion para sa seed capital ng proposed MIF.

Aniya,  ang iba pang government institutions ay maaari ring kuhanan ng pondo para sa isinusulong na sovereign wealth fund.//CA