Catanduanes, nasa ilalim na rin ng Alert Level 2 kasama ang iba pang mga probinsya sa Bicol

BNFM BICOL— Mula sa pagiging Alert Level 4 nitong a’kinse hanggang a’trenta ng Nobyembre, nasa Alert Level 2 na lamang ang quantine classification sa islang lalawigan ng Catanduanes kasama ang lima pang probinsya sa Bicol kabilang na ang Naga City.

Bunsod nito, nagbaba ng bagong kautusan ang pamahalaang panlalawigan kaugnay ng mga COVID-19 restrictions at mga bagong protocols na ipapatupad sa isla bilang pagtalima sa naturang quarantine classification sa lalawigan.

Batay sa ibinabang Executive Order No. 43 series of 2021 ni Catanduanes Governor Joseph Cua, ilan sa mga General guidelines na ipapasunod sa ilalim ng Alert Level 2 ay ang:

Read More:  Davao City plans 20 new buses, digital tracking system
  • Istriktong patalima sa minimum public health standards gaya ng pagsusuot ng face masks, pag obserba ng physical distancing, at palagiang paghuhugas ng kamay.
  • Papayagan na ang mga hotels o panuluyan na mag accomodate ng guests basta’t ang establisyemento ay mayroong valid DOT accreditation
  • Tanging mga APOR lamang at Essential Travels ang pahihintulutang makapasok sa lalawigan mula sa mga lugar na may mas mataas na quarantine classification sa probinsya habang required pa rin ang paggawa ng S-PaSS account.
  • Negatibong resulta pa rin ng RT-PCR Test ang kailangang isumite ng mga travelers mula sa mga lugar na may mas mataas na Alert Levels habang negative RT-PCR o kaya naman ay Antigen Test ang hihingin, para sa mga travelers na magmumula sa  mga lugar na nasa Alert Level 2 rin o mas mababa pa ang quarantine classification at
Read More:  HBONI, DOST push science-based development in Himamaylan IP community
  • Pinapayagan na rin ang ilang mga pagtitipon ngunit tanging 50% lamang ng maximum capacity ang pahihintulutan para sa mga indoor activities sa kondisyong fully vaccinated ang lahat ng mga dadalo.

Tatagal ang naturang quarantine classification hanggang December 15, kaya’t mag de-depende sa magiging COVID-19 situation ng lalawigan ngayong unang dalawang linggo ng Disyembre ang susunod na Alert Level ng probinsya ngayong darating na kapaskuhan.###